Monday, July 13, 2009

Sa Lupang Sarili

Ito ay isang tula na natatandaang kong kinuha sa Diwang Kayumanggi. Hindi ko lang matandaan ang sumulat. Ang mahalaga dito ay ang nilalaman ng tulang ito. Sa aking pananaw, ito isang tula na maaaring maging inspirasyon para sa mga namumuno ng ating bansa, maging national, probinsyal o local.

SA LUPANG SARILI

Sa lupang sarili kay tamis mamuhay
Panatag ang iyong diwa't kalooban
Di mo kakilala ang gutom at uhaw
Malayo sa lungkot at kapighatian

Ang buong maghapon sa tuwa'y di matapos
Sa piling ng iyong kababayang irog
Walang agam agam maging sa pagtulog
Ang kapiling mo'y halamang malusog.

Maging dampa yata ang aking tahanan
Sa Lupang Sarili langit ang kabagay
Kung hitik sa bunga ang mga halaman
At busog sa lingap ng pagmamahalan.

1 comment:

  1. inawit po namin yan nung high school sa choir. napakaganda!

    ReplyDelete